Saturday, July 5, 2014

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 4
PANITIKAN (PARABULA)

I.  Layunin: Pagkatapos ng diskusyon, inaasahan ang mga mag-aaral:
1.    Nauunawaan kung anong ibig sabihin ng parabula bilang kaisa sa panitikan Filipino
2. Nakapagbibigay ng kahalagahan at aral ang napanood at nabasang kwentong parabula;
3.    Naisasabuhay ang mga kwentong parabola sa pamamagitan ng pagsasadula nito.

II. Nilalaman
a.    Paksang Aralin: “Parabula’’
      Reperensiya: Daloy ng Mithi
                        Kay: Isidro G. Manrique
                        Pahina: 37-38

III. Pamamaraan
A.   Panimulang Gawain
1.    Drill:
        May magaganap na palabunutan na kung saan nakahyperlink ang mga pangalan ng mga mag-aaral sa PowerPoint. Ang mapipiling  tatlong mag-aaral ay haharap LCD at aayusin nila ang pagkakaugnay ng elemento ng dula sa pamamagitan pagdikit ng mga papel na may nakasulat sa pisara.
·         Sa iyong palagay tama ba na magkakasunod ang mga elemento ng dula?
·         Sa mga elemento ng dula ano ang nagbibigay buhay sa kwento?

2.     Pagbabalik-aral:
                     Ano ang maikling dula ?Ano ang pinagkakaiba ng trahedya,komedya, melodrama, parsa ? Ang dula ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may-akda. Traheyda ay isinasadula ng trahedya ang pagkakasalungat ng kasiglahan ng isang buhay laban sa batas o hanggahan ng buhay at ang di pagtatagumpay ng unang tauhan sa salungatang ito. Komedya naman may masayang paksa. Ang layunin nito ay libakin ang karaniwang pagkakamali at mga bisyo sa lipunan at makapagpapatawa sa mga manonood. Melodrama naman ay may malungkot na sangkap datapwat nagwawakas nang kasiya-siya at masaya para sa mga mabubuting tauhan ng dula. Mga lagpas na pananalita at damdamin ang karaniwang tatak ng melodrama habang ang parsa  ay nagpapatawa sa pamamagitan ng kawili-wili at katawa-tawang bukambibig.

3.     Pagganyak:
                      Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa dalawang hahatiin sa anim na grupo. Panonoorin nila ang kwentong “Alibughang Anak”. At aalamain nila kung saan napabilang at anong panitikan ang napanood nilang kwento.
·         Ano ang pinapahiwatig ng kwento?
·         Anong panitikan base sa napanood ninyong maikling pelikula?

B.   Presentasyon
1, Activity proper
          Magkakaroon ng isang mailking presentasyon na kung saan isasabuhay nila ang iba’t ibang kwento base sa nabasang parabola. Hahatiin sila ng anim na grupo. Mas kasiya-siya at malikhain sa presentasyon ay bibigyan karamptang puntos.

           2.   Pag-aanalisa
·         Bakit tinatawag itong parabula?
·         Ang parabula ba’y kasingganda ng maikling kwentong Filipino?
·         Bakit kalimitan ng kwentong parabula ay hango sa bibliya?

          3.     Abstrak/Pag-unawa
       Ang parabola ay mga kwentong nagbibigay-aral sa mambabasa at kalimitang nakukuha ang kwentong ito hango sa bibliya at sa karanasan ng tao. Ito ay nagsisilbing gabay sa mambabasa upang maliwanagan ang pag-iisip at makagawa ng magagandang asal na pwedeng isapuso sa sarili at maging sa kapwa.
  • Ano ba ang natutunan niyo sa tinalakay na parabula?
  • Bakit mahalagang pag-aralan ang parabula?
  • Ano-ano ang nakuhang magandang aral batay maikling pelikula at saka sa binasang kwento?


          4.    Aplikasyon
                           Para maisaisip ang natutunanan hinggil sa parabola. Sa parehong grupo ay gagawa ng isang kwento na may kakapulutan ng aral at magagandang asal at isasadula ito sa loob ng klase.

IV.          Pagtataya
                         Ang mga bawat mag-aaral ay gagawa ng sanaysay hinggil sa kanilang natutunan sa parabula.

V.           Magsaliksik ng iba pang parabula at gawan ng panhunab na sulatin.

               

No comments:

Post a Comment